Tuesday 28 August 2012

I want to break something... (re-post)

but it's not your heart. korni
September 08, 2008
***
Ain't what you call a GOOD day.
I'll hate this day forever
Dito ko naramdaman na SOBRA NA. TAMA NA. I'm sick of this s**t.
Super daming nakakaasar na bagay na nangyari.
Para akong Coke na pag inalog mo at binuksan eh sasabog na.
Nagtitimpi lang ako tlaga eh, pero pag napuno ako. MATAKOT ka na.
Let me kwento...

GOod StUff muna.

1. Maaga ako nagising at masaya ako na ang breakfast ko ay dried pusit.

2. Maaga ako dumating sa skul, hindi ako nalate sa Psych subject ko

3. After ilang attempts na bumili sa BOBA LOCA wala silang sago pero today they had sago.

4. Nag-enjoy ako sa lunch ko na SIOMAI with RICE. my favorite hindi lang dahil mura kung hindi masarap pa.

5. Masaya yung SA class namin.

6. Malamig ung room sa FIL.

7. I was early for training

8. hindi ako naulanan.

9. nagustuhan ng mga classmate ko ung outline na ginawa ko for our report.

10. Kumain kami nila Kuya Perci, Paolo, Claire and Jiggy sa flaming wings.

11. Hinatid ako ni Jiggy sa Overpass.

12. masarap ung wicked oreos. pinalamig ung ulo ko.

13. nakakita ako ng kaibigan sa sakayan na nagsabi sakin na nandun siya 9pm pa at wala siyang masakyan (10:30 na ng gabi nung oras na un).

14. May kahati ako sa bayad sa taxi papuntang Robinson.

15. may payphone na pangtawag sa bahay.

16. mabait si LoRD.


Bad stuff.
    - stuff that really got me mad today na humalo sa stress.

1. naiwan ko ung cellphone ko. nasanay na nga kasi na wala.  ang nangyari di ko makontakt ung classmate ko para gumawa ng outline nung report na this week na. So ako lang ung gumawa at nastress ako dun.

2. nainis ako sa mga taong sobrang ingay nung mainit na ung ulo ko.

3. sumakit ung legs ko at hindi ako makatayo.

4. ang sakit nung tiyan ko. sobra.

5. walang TENDERS MEAL sa flaming wings. un pa naman sana ung kukumpleto ng araw ko pero wala.

6. Gumastos ako ng napakalaki para sa STUFFED PORKCHOP na hindi na nga masarap ang oily pa.

7. Pagdating ko sa Katipunan wala akong masakyan.

8. Nakaslippers ako, basang basa na paa ko.

9. Ang taray nung taxi driver, kaasar. gusto ko na siyang sapakin kaso nahiya ako kay Raffy.

10. Hindi ako marunong gumamit ng Payphone ng PLDT. kaasar talaga.

11. Nagmukha akong tanga dahil hindi nga ako marunong. Hindi siya user friendly pag nagmamadali ka at badtrip ka na at hindi ka nag-iisip. kainis,

12. 10:40pm nagpasundo ako, malinaw kong sinabi kay ate Candice na "sa ilalim ng Overpass sa may Ministop sa Robinsons. Okay? gets? o sige, bye." pero 11:30 na. putcha.

13. Un pla ang magaling kong ate ang sinabi lang sa driver ministop. eh ang dami ring tao dun at madaming taxi so hindi ko napansin. kaya ko nga sinabi na sa ilalim ng over pass para madali akong makita at madali ko rin makita ung kotse.

14. ang mas nakakainis pa dun. Ung driver hindi man lang naisip na "bakit kaya wala pa rin un?" at umabante siya ng mga 100 meters para nakita niya agad ako. mukha akong tanga dun.

15. Naiinis ako dahil sa sobrang inis ko gusto ko sumira ng bagay, pumatay ng kung ano, bring about chaos and disorder into this very unfair world.

16. Naiinis ako na kailangan kong irepress lahat ng nararamdaman ko dahil, ayon sa society at religion na kinalakhan ko,  MALING maramdaman ito.

17. Naiinis ako na wala akong magawa para maalis ung stress at GALIT ko.

18. Naiinis ako dahil pag ginawa ko iyang ga binaggit ko baka magkaroon ako ng DISORDER or mabaliw lang ako sa sobrang stress.

19. naiinis ako dahil tumawag pa sa akin ung taong galit sakin. Tapos wala namang ikukwento kundi table tennis. putcha. sinayang mo oras at buhay ko. gustong gusto ko na magpahinga hindi ko lang masabi dahil isa akong PEOPLE PLEASER. imagine ha, galit pa siya sakin niyan, tas ako parin tinawagan, putek. kaasar talaga. hindi ko talaga maintindihan.

***

Sa mga nagbasa. sana maintindihan niyo na tao pa rin ako at hindi isang halimaw na galit sa buong mundo. PUNONG-PUNO na talaga kasi ako. naipon lahat ng StreSS,, galit, inis. Sa mga nagtataka sa pagbabago ng ugali ko for the past weeks stress ang dahilan nun.  Patawad sa mga in-ignore ko.
Sana walang magbago sa pagtingin niyo sakin, haha

Friends, Love ko parin kayo.
SOLUTION to those:
or WHat will make ICE happy/relieved?

1. Feed me dried pusit. tapos ung pagkaluto eh hindi crunchy gusto ko ung mejo makunat.
2. Bilhan mo ako ng ZAGU/BOBA LOCA na Mocha/Cafe latte ung flavor.
3. Give me super chocolate ice cream or any ice cream.
4. Have someone sing me a song.
5. Ipakita niyo sa kin ung crush ko. haha
6. Give me anything PURPLE.
7. Tell me a joke.
8. have a friend tambay lang with me kahit walang talking. just a friend who'll be there.
9. Give me candy. please.

What will make ICE more angry? (as of now)

1. Mga taong KSP.
2. pag inaasar ako at wala nga ako sa mood.
3. pag tatanga tanga ung mga tao sa paligid ko.
4. pag wla or hindi kumpleto (ex. walang sago) ung pagkain na kine-crave ko.
5. people who ask a lot of questions that I don't want to answer.

No comments:

Post a Comment